2633 Pacific Avenue, Stockton, CA 95204 | Phone: 209-944-5530 | Fax: 209-944-5990

Welcome to our health education library. The information shared below is provided to you as an educational and informational source only and is not intended to replace a medical examination or consultation, or medical advice given to you by a physician or medical professional.

Controlling Your CholesterolControlling Your CholesterolC³mo controlar su colesterolControlling Your CholesterolControlling Your CholesterolControlling Your CholesterolControlling Your CholesterolControlling Your CholesterolControlling Your CholesterolControlling Your Cholesterol

Ang Pamamahala ng Iyong Kolesterol

Ang kolesterol ay isang sangkap na parang waks na naglalakbay sa iyong dumadaloy na dugo. Kapag mataas ang iyong kolesterol, naiipon ito sa mga paligid ng iyong mga ugat. Ginagawa nitong mas masikip ang mga ugat at binabawasan ang pag-agos ng dugo. Kapag nangyari ito, maaari kang magkaroon ng atake sa puso o stroke.

Mabuti at Masamang Kolesterol

Ang mga lipid ay taba, at ang dugo ay halos puro tubig. Ang taba at tubig ay hindi naghahalo. Kaya kinakailangan natin ang mga lipoprotein (ang mga lipid na pinababalutan ng protina) upang mabuhat ang mga lipid. Ang protein shell ang nagpapapasok ng lipoprotein sa dumadaloy na dugo, dala-dala ang mga lipid. Mayroong dalawang pangunahing uri ng lipoprotein:

  • Ang LDL (hindi masyadong malapot na lipoprotein ) ay kilala bilang "masamang kolesterol". Halos lahat ng kinakarga nito ay kolesterol. Dinadala nito ang kolesterol sa mga selula ng katawan. Kung sobra ang LDL na kolesterol, ito ay maaaring maipon sa mga pader ng arterya. Nakakapagpataas ito ng iyong panganib sa sakit sa puso at stroke.

  • Ang HDL (napakalapot na lipoprotein) ay kilala bilang "mabuting kolesterol". Ang karamihan na taglay nito ay protein shell. Iniipon ng lipoprotein na ito ang mga sobrang kolesterol na naiwan ng mga LDL sa mga pader ng daluyan ng dugo. Kaya ang mga mataas na antas ng HDL na kolesterol ay nakapagpapababa ng iyong panganib sa sakit sa puso at stroke.

Ang Pamamahala ng Mga Antas ng Kolesterol

Ang kabuuan ng kolesterol ay kinabibilangan ng LDL at HDL na kolesterol, at iba pang mga taba na dumadaan sa dumadaloy na dugo. Kung mataas ang kabuuan ng iyong kolesterol, sundin ang mga hakbang na nasa ibaba upang ang iyong kabuuang antas ng kolesterol ay matulungang bumaba.

Bawasan ang Pagkain ng Hindi Malusog na Taba

  • Bawasan ang mga saturated na taba at trans (tinatawag din na hydrogenated) na taba. Ang diyeta na mataas sa mga taba na ito ay nakadaragdag sa iyong masamang kolesterol. Hindi sapat ang pagbawas lamang ng mga pagkain na mayroong kolesterol.

  • Kumain ng 2 na hain ng isda sa bawat linggo. Karamihan sa mga isda ay nagtataglay ng omega-3 fatty acids. Ang mga ito ay nakatutulong sa pagpapababa ng kolesterol sa dugo.

  • Kumain ng mas maraming butil ng sereal (whole grain) at maaaring matunaw na hibla (kagaya ng oat bran). Nakapagpapababa ito ng pangkalahatang kolesterol.

Maging Aktibo

  • Pumili ng gawain na iyong kinagigiliwan. Ang paglakad, paglangoy, at pagbibisikleta ay ilang mga mabubuting paraan upang maging aktibo.

  • Magsimula ka sa antas kung saan ka kumportable. Dagdagan mo ang iyong oras at bilis nang kaunti bawat linggo.

  • Subukan mong maging aktibo hanggang 30 minuto sa karamihan ng araw. Maaari mong gawin ito ng tatlong beses na tig-10 minuto.

  • Tandaan, ang kaunting aktibidad ay mas mabuti pa kaysa sa wala.

  • Kung hindi ka nag-eehersisiyo nang panayan, magsimula nang unti-unti. Makipag-usap sa iyong doktor upang malaman kung nararapat ang plano ng ehersisiyo para sa iyo.

Tumigil sa Paninigarilyo

  • Ang pagtigil sa paninigarilyo ay nakabubuti sa mga antas ng iyong lipid. Nakababawas din ito sa iyong panganib para sa sakit sa puso at stroke.

Gamot

Nangangailangan ang maraming tao ng gamot upang maabot ang antas ng kanilang LDL sa isang ligtas na antas. Mabisa at ligtas ang gamot na nakapagpapababa sa mga antas ng kolesterol. (Ngunit ang pag-inom ng gamot ay hindi kapalit ng pag-eehersisyo o pagbantay ng iyong diyeta!) Sasabihin ng iyong doktor kung maaaring makikinabang sa pamamagitan ng gamot na nakapagpapababa ng kolesterol.

Ang Mga Malusog Na Target Para Sa Kolesterol

Ito ang mga pangkaraniwang target. Itanong sa iyong doktor kung ano ang mga target na bilang na nararapat para sa iyo.

Total na kolesterol: Mababa sa 200

Iyong target na bilang:________

HDL: 40 o mas mataas para sa mga lalaki, 50 o mas mataas pa para sa mga babae

Iyong target na bilang:________

LDL: Mas ababa sa 100

Iyong target na bilang:________

Mga triglyceride: Mas mababa sa 150

Iyong target na bilang:________

Date Last Reviewed:

Date Last Modified: 2008-04-25T00:00:00-06:00

To request an appointment, please call our cardiology office in Stockton, California at 209-944-5530 or use our online Appointment Request Form.

To request an appointment, please call our cardiology office in Stockton California at 209-944-5530 or use our
Online Appointment Request Form
Icon

Manshadi Heart Institute, Inc.

2633 Pacific Avenue
Stockton, CA 95204
Phone: 209-944-5530
Fax: 209-944-5990
Map and Driving Directions

1210 W Tokay Street
Lodi, CA 95240
Phone: 209-370-3580
Fax: 209-944-5990
Map and Driving Directions

  • Gallery
  • Gallery
  • Gallery
  • Gallery
  • Gallery
  • Gallery
  • Gallery
  • Gallery
  • Gallery